Friday, June 26, 2009

Pag-asa Ng Bayan, Alay Sa Mundo



Baon ko ang alaala ng aking pamilya dito. Pagmamahal at kasiyahan na laging nasa puso ko. Dahil sa hirap ng buhay sa sariling lupa mas ninais kong malayo sa piling ng aking mga mahal sa buhay. Nang sa gayon maibigay ko sa aking pamilya ang masaganang buhay na aking ninanais para sa kanila. Napunta ako dito upang magtrabaho. Iba man ang mga tao,lingwahe at kultura na ngayon ko lang nakita, natuklasan at naranasan. Pinipilit kong ako ay makatayo sa laban ng buhay na aking sinuong. Laban para sa aking pamilyang minamahal. Tanging larawan, tawag at text ang pamatid ng aking kalungkutan ng sa gayon ako ay patuloy na magpunyagi sa landas na aking tinatahak. Landas na magdadala sa akin sa magandang buhay. Tanging panalangin ang sandata ko upang malabanan ang mga masamang impluwensya na maaaring makasira sa aking pangarap na binubuo. Mahirap man ang trabaho ko dito,ibinibigay ko ng husto ang kaya ko ng sa gayon hindi ako matanggal sa trabaho. Inilalagay ko sa isip lagi na mahalin ang trabaho ko. Dahil ito ang dahilan kung bakit ako nandirito. Kapag ako ay nakapapanood ng TFC hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking luha. Luha ng kagalakan na masilayan muli ang bayan na aking kinalakihan. Minsan ako ay naglilibang sa laptop na aking pinag-ipunan na kung saan nakakausap ko ang aking pamilya ng harapan pati na rin ang aking mga kaibigan. Tuwa, ngiti at may kasamang konting biruan kung kami ay nagkakausap. Dahil dito aking nalilimutan ang aking kahirapan na malayo sa bayan kong minamahal. Medyo pumayat ako noong unang taon ko dito. Marahil dahil sa kalungkutan at sa pagkain na ngayon ko lang natikman. Pinipilit kong ibagay ang aking sarili ng sa gayon ay matagalan ko ang kultura nila rito. Ako ay nagulat nang minsan, ang isa sa katrabaho kong Pilipino ay nanakit ng kapwa manggagawa dahil lamang sa di pagkakaunawaan. Tinanggal silang dalawa, umiiyak na lumapit ang kapwa ko Pilipino at humihingi ng tulong sa akin at sinabi niya kung anong buhay ang daratnan niya kung sakaling babalik siya sa Pilipinas. Sinabi nya na lahat ng kanilang pinaghirapan na ipinundar nilang mag-asawa ay naisangla at di pa nila nababayaran para lamang siya ay makapagtrabaho rito sa Italya. Naantig ang aking puso ng aking marinig ang kanyang sinabi. Kaya walang atubili kong tinulungan at sinabi kong " Naiintindihan kita, alam ko na hindi mo ginusto ang nangyari. Basta lagi ka lang manalangin at humingi ng tulong at gabay sa ating Poong Maykapal." , yan ang mga huling kataga na binaggit ko sa kanya. Muli, ako ay napaisip kung sa akin nangyari ang bagay na yun ei halos wala kaming pinagkaiba ng sitwasyon. Ipinapa-Diyos ko na lamang ang lahat na sinasamahan ko ng sipag at tiyaga.

Nagdaan ang Pasko at Bagong Taon na wala sa piling ng minamahal, tawag lang sa cellphone ang pumapawi sa aking kalungkutan sa mahahalagang araw na iyon. Pinagmamasdan ko ang mga kamay ng orasan dito sa loob ng aking kwarto at ginugunita ko ang mga masasayang araw kasama ang aking mahal sa buhay at ako'y napapangiti. Para tuloy akong baliw sa mga sandaling iyon. Mahirap kung iisipin ang buhay ng isang OFW na katulad ko. Maraming isinasakripisyo alang-alang sa pamilya. Oo, ang katawan ko nandito pero ang puso't isipan ko'y naiwan sa aking mga mahal sa buhay. Luha, pawis at sariling buhay ang puhunan ko para lamang maitaguyod at gumanda ang aming pamumuhay. Kaya, tanging dasal ko sa Poong Maykapal ay bigyan pa Niya ako ng lakas ng loob at mas malakas at matatag na katawan para sa pagtratrabaho ko rito. Hindi ko pinagsisisihan na ako ay nandirito ngayon. Bagkos mas lalo ko pang dinaragdagan ang aking kasipagan upang ako ay magtagal rito sa trabaho. Hanggang dumating ang tamang panahon na ang kontrata ko ay magwakas at puwede akong makapag-bakasyon sa Pilipinas.


Note: This is an entry to PEBA 2009. Click this link and please vote for my entry #15 My Life's Journey...

10 comments:

Francesca June 26, 2009 at 2:08 PM  

Napa cry me a tear mo ako sa post na eto.
Grabeh, hindi lang ikw ang merong homesick home, lahat ng OFW
hopefully, matapos na ang kontrata mo at makapiling mo na mga mahal mo sa buhay.
Malayo pa ba?

Siya, yung sinabi mo na ang Diyos lang ang tangi mong masandalan, it is true.

It is our pleasure t o read a post from Rome Italy.
You are 12 hours away by train from Nice France!

all the best!

Ken June 26, 2009 at 9:51 PM  

This is wonderful and thank you for joining PEBA. Honestly kung ako ang judge, mahihirapan ako pumili kung aling entry ang pinakamaganda kasi wala akong maitulak-kabigin.

But Thank you so much for supporting us. And this post will definitely make a difference.

RJ June 27, 2009 at 12:48 AM  

Nakakita ba siya ng bagong trabaho?

PinayWAHM June 27, 2009 at 5:07 PM  

That's a great entry! I hope you win. Goodluck~

Hopping by here Richelle! Hope your weekend is going great.

J

The Pope July 1, 2009 at 5:38 PM  

This is a touching story of love and sacrifice. Thank you for sharing and inspiring us with your entry.

Life is Beautiful.

Dream big, success is at your hands.

God bless you.

Life Moto July 9, 2009 at 8:32 AM  

Bukod sa sakripisyo natin bilang OFW. I believe na ang stronghold natin ay prayers and trust in the Lord. Kasi pag andoon Siya sa puso natin ay kaya natin lapasan ang problema na ikaw at Siya lang ang makakalutas.

Nice story. Have a nice day ahead, good luck !

Anonymous July 30, 2009 at 4:22 AM  

Hi, It is nice to know that we have a dedicated Pinoy working in Italy. I was in Rome and Florence last June and it is highly recommended to visit these cities. I attended the Pope's blessing on Sunday and of course I had the chance to meet David, Michaelangelo's sculpture in Florence. Good luck!

hazelvee August 19, 2009 at 2:44 PM  

i enjoyed reading your entry ;)..oxoox...

Anonymous February 7, 2010 at 8:57 AM  

I'm Brian. I'm doing my PhD in Communication in UP Diliman. I'm now writing my dissertation on Filipinos and Superstar-led films and I am trying to include the views and experiences of global Pinoys. Could I include you? I saw your blogs and found out that you won PEBA so I got interested in your views.

May I ask you to answer a few questions of mine, if it`s ok?
1. How many years have you worked in Italy and in what jobs?
2. What are your most significant experiences outside of the country?
3. What situations made you decide to oursue life abroad?
4. How is a day like in Italy?
5. What do each of the following stars mean to you?
a. Nora Aunor
b. Vilma Santos
c. Maricel Soriano
d. Sharon Cuneta
6. Who among them is best suited to play a role of a worker in Italy? Why?
7. What aspect of your life in Italy should a film be made about it?

Thanks! Hope to hear from you soon via brianbantugan@gmail.com

Para Fragrance November 27, 2021 at 5:11 AM  

Thanks for sharing your blog. Very Informative! If you are looking the perfumes for men and women, cologne, Body Lotion, Celebrity Scents, Gift Sets online in the USA. So Para Fragrance is the best option for you. It is one of the reputed fragrance stores. For more detail visit our website.

Buy ETERNITY After Shave
Buy Body Lotion Online USA
Passion by Elizabeth Taylor